Isang babaeng Chinese ang nakaligtas sa isang rapist matapos magkunwaring inuubo at sinabihan ang suspek na galing siya sa Wuhan, China.
Ayon sa ulat ng Daily Mail, isang British tabloid, nangyari ang insidente noong Biyernes nang gabi sa siyudad ng Jingshan na malapit sa Wuhan.
Batay umano sa ulat ng pulisya, nag-iisa lang ang 25-anyos na babae sa kanilang bahay nang pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek at tinangkang halayin.
Kahit sobrang takot ay sumigaw umano ang babae at sinabing kagagaling lang niya sa Wuhan at infected ng novel coronavirus at kaya siya nag-iisa lang sa bahay ay dahil naka-self quarantine.
Natakot ang suspek kaya tumigil ito pero bago umalis ay tinangay ang pera ng biktima.