Kalaboso ang isang lalaki matapos magwala at manaksak pa ng kapitbahay sa Cagayan.
Kinilala ni Cagayan Police Director S/Supt. Warren Gaspar Tolito ang suspek na si Lito Carillo ng bayan ng Claveria.
Sa imbestigasyon ng pulisya bago maganap ang insidente, nalaman umano ng suspek na iniwan siya ng kanyang misis at sumama ito sa kanyang kalaguyo, dito na umano nag-amok si Carillo at pinasok ang tahanan ng kapitbahay nitong si Imelda Fernandez at inundayan ito ng saksak.
Humingi ng tulong sa pulisya ang mister ng biktima para maaresto ang suspek. Ayon sa awtoridad, emotionally depress umano si Carillo dahil sa pang-iiwan ng kanyang misis.
Nakakulong ngayon sa Cagayan Police station detention cell si Carillo at sasampahan ng kaukulang kaso.