Iniwan sa ere

For the record by Jeany Lacorte

Jeane Lacorte

Malinaw na pinagkakitaan lang ng Grab ang 8,000 nilang mga drivers na dine-activate ang account epektibo nitong Hunyo 10 dahil hindi nakapagpasa ng proof of accreditation ng transport network vehicle services (TNVS) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Hindi malayong may kaugnayan ang hakbang na ito ng Grab sa pagbibigay ng LTFRB ng 20,000 mga bagong slot sa TNVS.

Kaakibat ng inilabas na bagong mga slot ng LTFRB ay nagpalabas ito ng direktiba na dapat sa Hunyo 7, 2019 ay nakumpleto nila ang kanilang mga requirements.

Ang sa ganang akin, ilang buwan na ang nakalipas kaya dapat naman ay tinutukan ito ng Grab.

Nakapagtataka namang nakapag-operate sila ng halos kalahating taon nang walang accreditation dahil kung hindi ako nagkakamali ay Disyembre 2018 nang maglabas ng 20K slot ang LTFRB.

Oo nga’t nakikipagtulungan ang Grab sa LTFRB para magpatupad ng regulasyon pero mas dapat manaig ang kanilang responsibilidad na alalayan ang mga drivers nila na bumibiyahe na wala palang akreditasyon.

Ayokong isipin na ginamit n’yo lang ng kung ilang buwan ang mga tsuper na dini-activate ang account para madagdagan ang limpak-limpak niyong kita.

***
Lahat ng kongresistang aspirante sa pagka-Speaker ay nagki-claim na may kakayahang pamunuan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kung ganun dapat ay ilatag nila ang kanilang mga plano at pruweba na may malaking ‘K’ as kakayahan silang maging House Speaker.

Matanong ko lang pala sinu-sino pa sa maiinit na kandidato for speakership ang nagpakita na ng lea-dership?

Maliban sa leadership ay isama na rin natin bilang panuntunan ay ang kakayahang humawak sa isang sensitibong isyung pampolitika.

Sino ba sa mga matutunog nating kandidato ang may hinahanap nating dapat ay kata-ngiang taglay?

Ayokong maging bias pero isa sa nakikitaan ko ng lahat ng hinahanap nating katangian ay mukhang pasok kay Taguig congressman-elect Alan Peter Ca-yetano.

Isa sa hindi ko makakalimutang kontrobersiyal na isyung kina-yang harapin ni Ca-yetano ay ang ginawa niyang pagtatanggol kay Pangulong Rodrigo Duterte sa internatio-nal community sa war on drugs ng gobyerno.

Hinarap din niya bilang isang magiting na public servant ang kasong isinampa sa kanya at kay Presidente Duterte ni Atty. Jude Sabio sa international courts bukod pa si-yempre sa naging mi-yembro siya ng gabinete at senador na malaking kalamangan sa kanyang mga katunggali.

Ilan lamang iyan sa matunog na nagawa ni Alan.

Ang malaki lang problemang sagabal sa pagka-speaker ni Cayetano ay hindi siya dikit kay presidential daughter Davao Mayor Sara Duterte na natatanging panlaban ng mga katunggali nitong sina Marinduque Rep.Lord Allan Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez.