Insular Oil sumunod sa Fuel Marking program

Kasunod nang pagsisimula ng ‘marking activities’ sa mga petroleum product ng ­Seaoil Philippines Inc. sa Batangas at Unioil Petroleum Philippines Inc. sa Bataan, sumunod na rin ang Insular Oil Corporation sa Subic sa nationwide implementation ng Fuel ­Marking Program at ­isinagawa ang kanilang first ­marking activity noong Oktubre 30, 2019.

Tinatayang aabot sa 8,213,636 litro ng Mogas Ron 92 Gasoline na sakay ng MT Grand Ace 11 mula sa Guangdong, China ang minarkahan sa fuel terminal facility ng Pure Petroleum Corporation Subic, nang pinagsanib na ­grupo ng Department of ­Finance (DOF), Bureau of Customs (BOC), at ­SGS-SICPA.

Umaasa naman ang BOC, sa ­pamamagitan ni Commissioner Rey ­Leonardo ­Guerrero, na mapapabilis ang ­marking ng mga ­petroleum product na iimbak, ibibiyahe at ipagbibili, dahil ­malapit na ang field testing phase ng programa.

Pinayuhan ­naman ni BOC Customs ­Deputy ­Commissioner for ­Enforcement ­Teddy Raval, na pinuno ng implementing ­office ng programa, ang mga retailer na bumili at magbenta lamang ng ‘marked fuel’ upang maiwasan ang paglabag at hindi mapatawan ng penalty, na kinabibilangan pa ng criminal prosecution.