Mahigit 600 gymnasts at coaches mula sa pitong bansa ang inaasahan sa 1st Sonny Ty International Gymnastics Cup sa Oct. 15-16 sa Muntinlupa Sports Complex sa Tunasan Baywalk.
Siyam na teams ang isasabak ng Pilipinas kabilang ang mga galing sa Philippine Gymnastics and Athletics Academy sa ilalim ni coach Sonny Ty.
Bago namatay noong 2008, maraming nahubog si Ty na naging miyembro ng national team, tinuruan ang mga student-athletes na ginawa niyang athletic scholars sa UE.
Pitong teams mula Indonesia, dalawa sa India at tig-isa mula Sri Lanka, Singapore at Malaysia ang sasali sa torneo na suportado ng city government ng Muntinlupa sa pangunguna ni Mayor Jaime Fresnedi.
Isasabak ng PGAA ang 30 atleta nila, karamihan ay hindi pa nakakarampa sa international competitions.