Patay ang isang opisyal ng pulis sa naganap na pamamaril sa Balayan, Batangas kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawing pulis na si SPO1 Brian De Jesus, Intelligence officer ng Balayan PNP.
Ayon kay Chief Insp. Allan de Castro, hepe ng Balayan PNP, nagsasagawa ng intel gathering si SPO1 De Jesus sa grupo ng drug personalities na pinamumunuan ni Rodolfo Macalindong pero bago pa man sila makalapit ay pinaputukan na ito na kaagad nitong ikinamatay habang nasugatan naman ang anim na sibilyan.
Sa isinagawang hot pursuit operation ay nasugatan naman ang suspek na si Catrina Hernandez habang nakatakas naman si Macalindong.