Pinaghahandaan na ng Palawan government ang pagbubukas ng bagong international airport sa Puerto Princesa City sa susunod na linggo.
Bagama’t sa araw ng pagbubukas ay wala muna umanong palalandingin sa nasabing paliparan, dahil sa gagawing okasyon ay lilibutin ng mga bisita at ng mga opisyal ng Palawan ang nasabing paliparan upang masilayan ang kagandahan nito na ginawa ng mga dayuhang contractor.
Kung matatandaan, inaasahan ng pamunuan ng airport sa Palawan na aabot sa dalawang milyong pasahero ang dadagsa bawat taon sa lalawigan ng Palawan dahil sa bubuksang international airport.