Mistula umanong sinasadyang galitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang international community maliban sa China at Russia na nais nitong maging kakampi sa foreign policy na tinutumbok ngayon ng administrasyon.

Ito ang paniniwala ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat sa panibagong atake ni Duterte nang sabihin nito na kung ang Germany ay may Adolf­ Hitler na nagmasaker sa may anim na milyong Hudyo o Jews ay “happy naman itong patayin” ang may tatlong milyong adik sa Pilipinas.

“Parang sinasadya naman niya na galitin ang mga ibang bansa at ibang dayuhan,” pananaw ni Baguilat.

Tulad ng inaasahan, inalmahan ng United Nation (UN), United States (US) at Germany ang pahayag na ito ni Duterte.

Kinakabahan naman si Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao na tuluyang mabura ang due process sa bansa na isa sa pangunahing sangkap ng tinatamasang demokrasya sa Pilipinas dahil sa plano ni Duterte na patayin ang tatlong milyong adik.

Sinabi ng lady solon na walang sinumang Filipino ang kontra sa kampanya ni Duterte laban sa iligal na droga subalit kailangan aniyang umiral ang due process.

14 Responses

  1. Para sa akin, mas tamang pilit na ginagalit ng mga nagbabalitang bayaran or galit kay Presidente ang interntional community at mga bansang may kakayahan para sumuporta sa pagpapa-alis nila kay Duterte… Kinukuha lang nila para ibalita yung alam nilang ikakagalit ng ibang bansa dahil alam nilang buo ang suporta ng mas nakararaming pinoy kay Presidente…

    1. korek ka dyan kabayan..mahal ni PDU30 ang mga OFW tulad natin kaya nga pinababa niya ang peso…Php 48.50…pangako niya sa atin aabot yan hanggang 65.00 bago matapos ang termino niya..maraming salamat po Mr. President..mahal po namin kayo..

      1. wag kang mag alala kabayan..dahil ayon sa financial expert na Bloomberg..aabot yan ng Php 50.00 kaya tiba tiba kabayan..at kanina sabi ni Sec. Domigues okay lang daw dahil nakikinabang naman OFW..kaya mabuhay ang Presidente..sana araw araw niyang murahin ang US at EU para todo na

  2. Paano mag uusap ang team yun ngang ginagawang speech ng writer nya di naman binabasa. Kinabukasan damage control na ang gagawin nila pag may minura si Digong.

  3. kabaligtaran ang balitang ito’y si digong ang gumagawa ng bagay upang galitin ang international community kong maronong ang nagbalita at sumalat ng balitang ito’y dapat sabihin ang international community ang nakikialam sa trabaho ni digong kaya sumasagot siya ng maanghang na salita kasi kasing linaw ng sikat ng araw ang ginagawa ng UN tapos walang human rights kagaya ng syria iraq saan ang sigaw ng human rights sa daming sibilyang namamatay