International, domestic flight balik sa ‘new normal’

Pinapayagan na ang mga international at domestic commercial airlines na makapag-operate sa Ninoy Aquino International Airport(NAIA) sa ilalim ng ‘new normal’ operations kahit na mayroong COVID 19 pandemic.

Ang mga commercial domestic flights ay papayagan makapagoperate sa mga areas na sumasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) at maari pang palawigin ang operasyon nito sa mga international gateways kagaya ng Clark at Davao.

“While the mandate of the DOTr is to provide transportation, mobility and convenience, it is now also vested with the responsibility to help in preventing the spread of the coronavirus…Our approach will be partial, gradual, calculated, and by phases,” ani Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

Sinabi pa ni Tugade na kinakailangang tatlong bagong airport gateways ay may testing laboratories para sa mga pa parating na pasahero.

Sumasangayon ang Flag carrier, Philippine Airlines (PAL) sa opurtunidad na buksan na ang regular commercial operations makaraang desisyunan ng pamahalaan na I-upgrade ang ilang lugar sa bansa kabilang na ang NCR sa GCQ sa darating na Hunyo 1.

Ayon naman kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal handa ang kanilang mga facilities and equipment para sa pababalik ng operations sa pangunahing paliparan sa bansa.

Ang apat na NAIA terminals ay sumailalim na sa sanitation kabilang na ang gangchairs, electronic gadgets, counters, tables, comfort rooms ay nililinis kada dalawang oras para maprotektahan ang mga airport users at empleado sa sa bacteria.

“We could say that we are ready for the re-opening of domestic and international flights for the new normal as we observed the social distancing and sanitizers are everywhere including footbath,” ani Monreal. (Otto Osorio)