Gaano kaya katotoo ang impormasyon gigil na gigil ang Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na pabalikin sa Pilipinas ang isang international singer para muling mag-concert?

Sa mga nasabat na impormasyon ng Tonite, sa huling concert daw sa bansa ng singer na ito ay nanalo ng $1 million sa card game na baccarat.

Matapos daw manalo ay agad na ring umalis sa Pilipinas ang artist tangay syempre ang kanyang premyo.

Dahil dito, nais bumawi ng gaming firm kaya’t hinihikayat ang international singer na bumalik na sa bansa.

Kung ano ang negosasyon at estado nito ay hindi pa naman malinaw sa ating impormante.

Clue: Ang international singer na wanted sa Pagcor ay may letrang M sa kanyang apelyido na katunog ng planeta at tsokolate.