Magpapatuloy pa rin ang pagsasailalim sa tactical interrogation at pagsusuri ng Philippine National Police (PNP) upang matukoy ang lalim at lawak ng naging ugnayan ni Supt. Maria Cristina Nobleza sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).
Base sa mga natuklasan, sinabi ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa na si Mismong Zulkifli Bin Hir alyas Marwan ang siya pang nagkasal ng Muslim rites kina Nobleza at kay Rennour Lou Dongon, ang ASG member na isang bomb maker expert.
Napag-alaman kay PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, tinutukoy pa ngayon ang lahat ng mga detalye simula nang magkakilala sina Nobleza at ang umano’y naging asawa na si Dongon.
Sinabi ni Carlos na kapag napatunayang tinraydor ni Nobleza ang PNP, tiyak na mananagot ito at haharap sa kasong treason.
Una nang naaresto si Nobleza sa Bohol noong Sabado kasama ang umano’y asawa nitong si Dongon dahil sa pag-iwas sa checkpoint kung saan tangka ring pag-rescue sa isang sugatang miyembro ng ASG.
General Bato SIR,..TAMA YAN SIR NA MAG CONDUCT KA NG TACTICAL INTERROGATION KAY MARIA CRISTINA NOBLEZA.PARA MAKUHA MO ANG LAHAT NA DETALYE..PERO HINDI ILALAHAD LAHAT ANG MGA NALALAMAN NIYA KASI ANG BATAS NILA WALANG IWANAN AT WALANG LAGLAGAN.PATAY KUNG PATAY..KAYA PAGKATAPOS NIYAN NG INVESTIGATION NYO SIR DELAROSA PATAYIN NYO NA AGAD YAN DAHIL BAKA LALONG DADAMI SILA. SA INYONG PALAGAY SIR GENERAL DELA ROSA SIR,…COMMON SENSE NA LANG SIR..WALA NA KAYANG IBANG POLICE OR MGA MALALAKING RANK NG PNP AT MILITARY AY KASABWAT AT KASAPI NG ABU SAYAF GROUP SIR?.. matagal na yan pinopogsa sa mga militar at police ilang years na pero hanggang ngayon hindi naubos ubos.