Inubusan ng ulam, kuya dinedo

Nabuwis ang buhay ng isang lalaki matapos itong pagtatagain ng nakababatang kapatid makaraang ubusan ng huli ng ulam na tuyo ang kanyang kuya kamakalawa sa Negros Oriental.

Ang magkapatid ay kinilalang sina Roldan at Genero Isona, kapwa taga-Tanjay City, Negros Oriental.

Sa report ng pulisya, naganap ang krimen noong Biyernes nang umuwing lasing ang biktimang si Roldan at inubos nito ang nakahaing ulam.

Pag-uwi ni Genero at nakaramdam ng gutom ay tinangka rin nitong kumain subalit nang madiskubreng wala nang tinirang ulam ang kanyang kuya ay pinagtataga niya ito sa iba’t ibang parte ng katawan hanggang sa mapatay.

Paliwanag ng kanilang ama, dahil sa tindi ng pagkagutom ay naubos ni Roldan ang nakahaing tuyo gayunma’y may natira pa naman umanong tuyo ngunit hindi pa luto.

Bunga ng insidente’y dinakip ang suspek kung saan desidido ang pamilya na ituloy ang kasong Homicide sa Provincial Prosecutor’s Office.