IOC, Japan: Summer Games sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021

Kahit gagawin na sa taong 2021, hiniling ng organizer at host Japan na tawagin pa rin ang naiurong na quadrennial sportsfest na 32nd Summer Olympic Games 2020.

Ito ay matapos magpasya ang International Olympic Committee (IOC), International Paralympic Committee (IPC), Tokyo 2020 Organising Committee, Tokyo Metropolitan Government at ang Government of Japan na ilipat sa nasabing bagong petsa ang paligsahan mula sa orihinal na parating na Hukyo 24-Agosto 9 dahil sa coronavirus pandemic.

Gaganapin na ang 2020 Tokyo Olympic Games sa July 23-August 8, 2021. Nagkasundo rin ang mga kinauukulan na itakda ang 16th Paralympic Games 2020 sa Agosto 24-Setyembre 5, 2021.

Nagkasama-sama ang mga lider ng bawat komite para sa pasya sa pamamagitan ng isang telephone conference. Sila ay sina IOC President Thomas Bach ng Germany, Tokyo 2020 President Yoshiro Mori, Tokyo Governor Koike Yuriko at Olympic and Paralympic Minister Hashimoto Seiko.

Binatay ang desisyon mula sa tatlong pangunahing konsiderasyon at kaugnay sa prinsipyo na itinalaga ng IOC Executive Board noong Marso 17, at kinumpirma sa pulong. Ito ay sinuportahan ng lahat ng International Federations (IFs) at National Olympic Committees (NOCs).

Ang desisyon ay base sa pagproteksyon ng mga atleta at mga sangkot sa paligsahan mula sa COVID-19, para sa kapakanan ng mga manlalaro at Olympic sports, at sa maayos na global international sports calendar.

Ang bagong petsa ay nagbigay sahealth authorities at lahat ng kasaling organisasyon sa Games ng mahabang panahon upang maobserbahan ang pabago-bagong klima at ang malaking epektong dinulot ng nakamamatay na coronavirus diisease pandemic.

Ang bagong petsa ay eksaktong isang taon mula sa orihinal na plano sa 2020 Olympics na Hulyo 24-Agosto 9, 2020, at 2020 Paralympics na Agosto 25-Setyembre 6, 2020.

Makakadagdag din ng tamang panahon para makumpleto at matapos ng mga atleta ang qualification process sa bawat sport. (Lito Oredo)