Ion nakatira na sa bahay ni Vice?

Ni Rommel Placente

Ngayong Oktubre ay ipagdiriwang ng “It’s Showtime” ang kanilang 10th anniversary.

Ang inaabangan ng televiewers, kung sa selebrasyon daw ba ay magaganap ang pag-amin nina Vice Ganda at Ion Perez na talagang may namumuo nang relasyon sa kanila.

Sabi ni Vice, “Bakit namin gagamitin sng anniversary? Parang ninakaw namin ang selebrasyon. Walang mangyayaring ganyan. Pero kung tatanungin ninyo po, masaya kaming dalawa ni Ion.”

Pero may bulung-bulungan na sa kanya na nakatira si Ion. How true?

“Hindi po totoo,” deny ni Vice.

“Ano po siya, nagrerenta, nagbabayad ng upa,” biro pa ni Vice.

Ang mga kaibigan daw niya mismo ang nagbibisto na talagang sila na ni Ion at nakatira na nga raw ito sa kanya?

“Marami akong friends. Para definite, sino?” balik-tanong ni Vice.

Kahit nagde-deny si Vice, hindi naman naniniwala ang mga tao na wala talaga silang relasyon ni Ion. Ganunman, marami naman ang masaya para kay Vice, na malaman na masaya ito sa piling ni Ion.

“Actually nao-overwhelm ako, napa-flatter ako na ang daming masaya na masaya ako,” pakli pa niya.