Kaye Dacer

Dahil mag-eeleksyon na maging babala sana sa mga nasa likod ng idaraos na halalan ang nakakalungkot na sinapit ng maraming mamamayan sa Indonesia na nasawi dahil sa sakit at sobrang pagod sa pag-asikaso sa halalan.

Halos 300 katao ang iniulat na namatay sa katatapos na eleksyon sa Indonesia.

Kanya nga lamang hindi katulad sa Pilipinas ay namamatay ang marami dahil sa patayan at hindi katulad sa Indonesia na iginugupo ng sakit ang mga nanga­ngasiwa ng halalan.

Ipagdasal na lamang natin na maging ligtas ang mga mangangasiwa sa eleksiyon para mairaos ng maayos ang ating halalan.

***
Sobrang init na ng eleksyon aba’y puro sira- an na ang ating nariri- nig sa magkakalabang kampo.

Kaya huwag dapat ta­yong paapekto para makapamili tayo ng nararapat na kandidato sa darating na halalan.

Kilalanin nating mabuti ang mga kandidatong dapat nating iluklok sa puwesto.

Katulad na lamang ng matitinong mga nakaupong politiko at kandidato.
Sino-sino ba sila?

Dapat alamin natin ang kanilang kuwalipikasyon dahil malaking tulong ang magagawa nito para makapamili tayo ng tamang iboboto.

Halimbawa na lamang sa Senado, sino ba ang puwedeng iboto na may kahalintulad ng tiniti-ngalang Senador sa kasalukuyan?

Hindi ko man perso- nal na bet si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson pero batid natin ang kanyang mga ipinaglalaban na para sa bayan.

Katulad ni Gen. Ro-nald ‘Bato’ Dela Rosa na tumatakbong senador. Pareho silang naging pulis at bilang pulis, pareho rin nilang nakuha ang pinakamataas na puwesto—ang pagi­ging hepe ng pambansang kapulisan.

Kaya kapag naihalal sa Senado si Bato, makukumpleto ang paglalatag ng mga pangunahing plataporma ni Presidente Rodrigo Duterte. Si Bato ang bahala sa paglaban sa ilegal na droga habang si Ping naman ang bahala sa paglaban sa korapsyon.