Ipagdiwang ang karapatan ng mga obrero sa pagkontra sa 7 PSA – MKP

Ipinagdiwang ng Murang Kuryente Party-list (MKP) ang Labor Day sa paglahok sa inorganisang pagmartsa ng iba’t ibang adbokasiya upang mapagtibay ang karapatan ng uring manggagawa sa Pilipinas lalo laban sa Meralco.

Nanindigan si MKP nominee at matagal nang energy advocate na si Gerry Arances na ang kanilang adbokasiya para sa abot-kaya, maaasahan at kayang ipagpatuloy na kur-yente ay mahalagang bahagi sa pagpapanatili ng karapatan ng mga manggagawa.

“Isipin mo, kung anu-ano na pinapa-san ng ating mga manggagawa. Huwag na natin idagdag pa ang pahirap dulot ng `di-makatarungang pagtaas ng presyo ng kur-yente,” diin ni Arances.

Aktibo ang MKP sa pagsalag sa pagtaas ng singil ng mga energy company sa buong bansa.

Kabilang ang MKP sa nagpetisyon sa Korte Suprema para ibasura ang pitong power supply agreement (PSA) na ginawa ng electricity distributor na Meralco sa iba’t ibang generation company.

Ikinasa ang pitong PSA nang hindi dumaan sa tamang proseso ng gobyerno kagaya ng public bidding at sinasabing maaaring magdulot ng walang katumbas na pagtaaas sa presyo ng kuryente.

“Matagal na nating iginigiit na ang mga PSA na tulad niyan ay mas makasasama hindi lamang sa mga manggagawa natin, ngunit sa lahat ng mga Pilipino rin,” ani Aran­ces. “Yun lang P2 pagtaas per kilowatt-hour, 400 agad yan na dagdag pasanin ng manggagawang gumagamit ng 200kw/h isang buwan. Halos isang buong araw na dagdag trabaho para lang sa dagdag singilin sa kuryente”.