KAHIT kasalukuyang nasa wedding nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, hindi napigilan ni Vice Ganda na pumatol sa isang basher. Personally, nawindang din kami nang makita kung sino ang naturang basher.

Nakakahiya dahil kababayan pa namin sa Bataan at kababae at kada­laga pang tao ha, kung ilang beses nga kayang inisip ng basher na ito ang ginawa niyang tweet na may kasama pang hashtag kaya ‘yun, bingo, ang daming balik na pangba-bash sa kanya ng netizen.

Aba, sukat ba namang mag-tweet itong taga-Mabatang, Bataan na si Pia Kim Gutierrez Mendoza na “Bat si Franco pa yung namatay di na lang si Jon Lucas. #RIPFrancoHernandez.”

Hayun, bago pa man siya patulan ni Vice, halos nagti-trending na yata siya dahil sa mga sagot sa kanya ng netizens na halos lahat ay nanggigigil sa kanya.

Dinelete na nito ang naturang tweet, pero useless na rin dahil may mga nakapag-screenshot na.

Malapit kay Vice ang karamihan sa mga Hashtags members at base sa mga sunod-sunod niyang tweet, alam mong apektado ito kahit nasa masayang okasyon at nasa malayong lugar nang makarating sa kanilang lahat ang pagkamatay ni Franco.

At nang makarating nga kay Vice ang tweet na ‘yun ng taga-Bataan, sunod-sunod na tweet ang pinost ni Vice patungkol dito.

Ayon kay Vice, “Sa gitna ng pagluluksa namin ngayon di ko papayagang may lumapastangan sa mga taong malapit sa akin. Napakawalang hiya mong hayup ka!

“Hintayin mong makabalik ako sa Pilipinas at ipapahanap kitang demoyo ka! Di mo alam kung gaano kalungkot ang pinagdadaanan namin ngayon!

“Gusto kitang makita sa personal. Gusto kong sabihin mo sa akin yan ng harapan. Gusto kitang paglaanan ng oras. Wag mga kaibigan ko. Wag ngayon.”

Hindi na kami magtataka kung mag-trending itong si Mendoza, ‘yun nga lang, lahat ay galit sa kanya at may nagtanong pa nga rito na netizen dahil sa tweet ni Vice kung handa na raw ba itong humarap, huh!