Ipasa agad ang amyendang batas sa Public Service Act

Hiniling ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa Senado na ipasa na ang panukalang batas na mag-aamyenda sa 80-taong Public Service Act (PSA) sa natitirang dalawang linggong sesyon ng Kongreso sa Mayo para mawala na ang mga hadlang sa pamumuhunan at kumpetisyon sa ilang sektor ng ekonomiya at masustenihan ang paglago ng bansa.

Isang kilalang ekonomista, isa si Salceda sa mga pangunahing may-akda ng House Bill 5828 na ipinasa ng Kamara noong 2017 at nakabinbin ngayon sa Senado. Ang panukalang bersiyon ng Senado ay aprubado na rin nito sa ikalawang pagbasa.

Layon ng HB 5828 na linawin ang ligal na kahulugan ng ‘Public Service’ at ‘Public Utilities’ sa lumang PSA na malimit ay pinagpapalit-palit upang paburan ang interest ng mga “monopolies, duopolies and oligopolies” sa ilang sektor ng industriya na dahilan para iwasan ito ng bagong mga mamumuhunan.

Ayon sa pag-aaral ng World Bank, nananatili sa kamay ng iilan lamang ang ekonomiya ng Pilipinas kung ihahabing sa mga kapit-bansa nito kaya nananating mahal ang mga bilihin at kulang sa mga kapaki-pakinabang na trabaho dahil sa mahina ang kumpetisyon. Kung marami ang mamumuhunan sa mga ingustriya ng bansa, dagdag nito, “tataas ang antas ng mga serbisyo, mara­ming trabahong malilikha, ay mababawasan ang kahirapan.”