Ipaubaya sa pamahalaan

Letter To The Editor

Dear Sir:

Ibinunyag na ni Col. Edgard Arevalo ng AFP Public Affairs Office na may kinalaman sa tero­rismo ang dalawang Pilipinong nasakote sa Kuala­ Lumpur sa Malaysia.

Kasama ng mga ito ang anim na Malaysian natio­nals. Si Hajar Abdul Mubin na kanang kamay ni Abu Sayyaf Group sub-leader Furuji Indama sa Basilan ang kinumpirma ng AFP na isa sa nasabing nahuli.

Isa na ito sa posibleng bunga ng pakikipagtulu­ngan at ugnayan ng Pilipinas sa bansang Malaysia at Indonesia kontra tero­rismo.

Isa rin ito sa paraan upang mapigilan ang patuloy na pagrerekrut ng mga miyembro ng mga tero­ristang grupo hindi lang sa Pilipinas at Asya kundi sa buong mundo.

Kaya pang mapigilan at matuldukan ang terorismo lalo na kung mas lamang ang mga taong makikipag ugnayan sa mga otoridad. Mas malakas ang panig ng mga mamamayang nagkaka-isa kontra sa mga terorista.

Klein De Guia
Guagua, Pampanga

***

Dear Editor,

Naiintindihan ko ang pighati ng mga kaanak ng mga namatay na indibidwal na naka-enkwentro ng militar sa Isabela. Natural lang sa kanila na makaramdam ng halong lungkot at galit dahil sa pagkamatay ng kanilang mga kamag-anak.

Normal lang din na paniwalaan nilang hindi miyembro ng NPA ang mga ito, at sa halip ay ipaglaban na sila ay mga ‘ordinaryong mangingisda’ lamang. Pero sa palagay ko, kahit sinong tao man ang susuri ng isyung ito, masasabing lehitimo ang operasyon ng AFP na humantong sa enkwentrong ito.

Una sa lahat, may mga lehitimong report na nakalap ang AFP kaya nagronda sila sa lugar na kung saan namatay ang mga hinihinalang myembro ng NPA.

Ayon sa balita, ang impormasyong nakalap ng AFP eh patungkol sa mga di kilalang mga kalalakihan na sapilitang kumukuha ng pagkain at pera sa ilang mga residente sa Isabela.

Kung totoo man mangingisda yung mga namatay, eh anong ginagawa nila dun sa area?

Kahit sinong may sentido kumon, magtataka.

–Divine Ojeda

***

Dear Sir:

Malaki at malakas pa rin ang paniniwala ng pamahalaan na nasa Marawi pa rin ang utak at may kagagawan ng gera sa naturang lungsod. Batay sa pagsisiyasat ng mga sundalo hindi makawala sa Marawi si Hapilon. Hindi rin umano totoo ang balitang namataan ito sa Basilan ayon sa mga kumakalat na impormasyon.

Sa ganitong pagkakata­on, ipaubaya na lamang natin sa pamahalaan at militar ang mga magiging hakbang nila. Huwag na sana tayo dumagdag sa problema lalo na sa pagkakalat ng mga impormasyong wala namang sapat na basehan.

Magdudulot lang ito ng takot para sa mga kapatid nating nasa mga lugar na kritikal lalo na at tahasang binabanggit pa kung nasaan umano ang presensya ni Hapilon.

Makipagtulungan na lamang tayo sa kinauukulan dahil sa yun lang ang ating maitutulong. Iwasan ang pekeng balita na nagdudulot ng pangamba sa mamamayan.

Jamaica Rey
Compostela Valley

***

Dear Sir:

Ang banta ay hindi­ nawawala at kahit saan ay mayroong pagbabanta, ‘yan ang sinabi ni AFP spokesperson Brigadier General Restituto Padilla Jr.

Ngunit sinabi rin niya na walang dapat ikabahala dahil nakatalaga ang mga sundalo sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang banta sa ating seguridad ay palaging nariyan ngunit makakayanan nating itong harapin kung tayo ay may tamang paghahanda para rito.

Magtiwala tayo sa sinabi ni Gen. Padilla na hindi na kakalat pa ang lagim na dulot ng Maute-ISIS group. Magtiwala tayo sa katapangan, lakas, galing at katapatan ng mga sundalong na­kabantay sa ating mga pamayanan.

Marami mang rebeldeng grupo, marami rin naman tayong matitikas na sundalo. Ang kailangan natin gawin ay makipag kooperasyon sa awtoridad lalo na sa ating mga kapa­tid na nasa mga lugar na talamak ang mga terorista.

Andrew Aranas
Tanay, Rizal

***

Dear Sir:

Isang magandang balita ang pag-aalok ng tulong ng bansang Australia sa Pilipinas para hasain ang AFP sa paglaban sa ISIS. Sabi nga ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi lang Pilipinas ang may problema sa banta ng terorismo kundi maging ang maraming bansa. Tunay ngang mabi­gat na problema ng lahat ang terorismo.

Nilinaw rin ni Abella na limitado ang mga teknikal na pag aaral, pagsasanay, pagkalap at pamamahagi ng mga impormasyon, bagay na nararapat lang.

Ayon naman kay Australian Foreign Minister Julie Bishop, handang sumuporta ang Australia sa ating bansa tulad ng pagsuporta nito sa Iraq sa pagpapayo, pag gabay at pagsasanay ng mga sundalo.

Sa panahon ngayon wala ng masama kung tumanggap man tayo ng tulong mula sa ibang bansa (pwera na lang China) dahil totoo naman kaila­ngan rin natin.

Jamaica Rey
Compostela Valley