DALAWANG character actress, dedmahan sa grocery. Ang theme song nila, BULAG PIPI AT BINGI.

Sila na ang busy sa bahay man o sa television. Kung ang isa, may teleserye, hindi nagpapakabog ang isa pa.

Kung pagalingan­ sa akting ang pag-­uusapan… WE HAVE A TIE!!!

Si supporting actress #1, may asawa na at mga anak pero nahiwalay sa asawa.

Ang jowa niya noon ay biglang nawalan ng raket at the time na busy-busy-han si supporting actress #1 at kabilaan ang mga show.

Na-link si ate sa kung kani-kaninong lalaki hanggang naka-jackpot siya sa isang menthol na mas bata sa kanya at may lahi pa.

Na-shock ang friends at relatives ni ate kung bakit bata ang ginetching niya.

Baka makasuhan siya ng child abuse!

Pero waaah care si ate cougar.

Inlababu siya kay jugets na may kargadang pwedeng ipantayo ng bahay.

Happy siya kaya waaah tayo pakialam. Pera niya naman ang ipinanggagastos sa kanyang jowaers.

Si supporting actress #2 naman, isa ring busy-busy-han. Have din siya ng project sa TV at pam-primetime pa.

Hindi rin nababakante ang bulaklak niya. Hilig niya naman ang live-in agad-agad.

Nagbilang na siya ng mga lalaking naikama na in fairness, ­tumatagal naman.

Magaling siyang kontrabida na kinabubwisitan ng mga manonood.

Na-link siya kung kani-kanino — bida kontrabida, cameraman, extra, basta lahat!

Eto na ang pagku­krus ng kanilang landas sa isang sikat na grocery…

Super-tulak sila ng kani-kanyang karitong bakal nang biglang nag­kabanggaan sila.

Nagkatinginan sila nang matalim sabay irap, then tingin uli nang mata sa mata.

Ang kumurap, talo!

Pero TIE ulit ang dala­wang hitad hanggang sabay na sabay na kumuha ng buy 1 take 1 na cup noodle soup.

Nagkadanggilan ang mga push cart.

Umiwas si actress #2 pero in-overtake siya ni actress #1 papuntang sardinas section.

Doon, wagas na nag-irapan ang dalawang ­luka-luka.

Patay-malisya sila pag nagkakasalubong.

Biglang sumulpot sa eksena ang isang gandarang bading. Binati siya ni actress #1 at ipinakilala ang jowa niyang may lahing Palestinian.

Chikahan sila, tawanan at pinagchismisan si actress #2 na nakayuko­ habang tulak-tulak ang cart.

May bumesong mhin kay actress #2, isang ­actor na pa-La Ocean Deep at may anak sa dating kinakasama.

Bayaran time…

Magkahiwalay ng ­cashier ang dalawa. T­uwing magtatama ang mga mata nila, nag-iirapan pa rin.

Tuluy-tuloy ang dedmahan nila hanggang sa parking area.

One Response