Matindi ang angas ng Pinay beauty na si Irene Jean Santos. Siya ang dating Irene O’Neil na nakababatang kapatid ng 90’s star na si Ilonah Jean.

Parehong nakabase ngayon sa Amerika ang magkapatid. May kanya-kanya silang mga karera.

Kakaiba ang mundong pinasok ni Irene at ang karerang tinatahak nito sa US.
Isa siyang fitness trainer at indie actress sa New York.

Nakipagsabayan din ang morena beauty sa ganda at kaseksihan ng mga female Americans sa pageant na WBFF (World Beauty Fitness & Fashion) na ginanap sa Bahamas.

Hindi talaga nagpakabog si Irene. Mistulang mandirigma at lalaban nang bakbakan. Mula leeg, balikat, braso, dibdib, tiyan, binti ay talaga namang nagmumura ang mga muscles.

Sa nakakayanig na alindog ni Irene, hindi sapat ang tatlo o apat na putok sa isang gabi lamang. (Rey Pumaloy)