Irene Jean walang kyeme sa hubaran

Patapang nang patapang ang angas ng Pinay health-fitness model na si Irene Jean Santos.

Kung sa mga nauna niyang bikini post ay nagulantang na ang kanyang mga supporter sa social media, nabulabog naman sila sa kanyang topless shot.

Kulang na lang selyaduhan ng Playboy Magazine ang walang kiyeme na paghuhubad ni Irene.

Kaya nga hindi kataka-taka na nadagdagan siya ng followers sa socmed.

Ang kapangahasan ni Irene sa paghuhubad ay hindi ginawa ng kanyang ate na si Ilonah Jean Santos noong aktibo pa ito sa showbiz.

At kahit sa Amerika pa, kung saan may pagkakataon si Ilonah na maging wild, hindi siya naglantad ng katawan.

Naniniwala kasi si Irene na dapat magkaroon ng kompyansa ang sinumang tao sa kanilang balat at personality.

Dahil dito, pinapapak sa Instagram ang kanyang alindog. (Rey Pumaloy)