Ironman 70.3 triathlon sa Cebu sa Agosto 6

Sina AussieTim Reed (kaliwa) ay tatarget ng back-to-back crown, habang si Dimity-Lee Duke ay maghahangad ng followup sa kanyang panalo sa Regent 5150 sa Ironman 70.3 triathlon.

Puspusan ang paghahanda para sa 2017 Cob­ra Energy Drink Ironman 70.3 Philippines sa Agosto 6, kung saan lahat ay ginagawa ng Cebu para sa masiguro ang tagumpay ng pagdaraos ng premier triathlon.

Nanguna ang Queen City of the South para maging host matapos ang hosting noong nakaraang taong first-ever Ironman 70.3 Asia Pacific, kung saan sina Australian Tim Reed at Swiss Caroline Steffen ang nagsipagwagi sa magkabilang division na ginanap sa Shangri-La’s Mactan Resort and Spa.

Ang nag-oorganisang Sunrise Events, Inc. ay sinisiguro ang isa na namang world-class set-up para sa pahirapang 1.9K swim, 90K bike, 21K run race na magsisimula at matatapos sa Shangri-Las’s Mactan Resorts and Spa.

Nagbabalik din si Reed para idepensa ang kanyang korona, pero si Steffen ay hindi kalahok.

Si Dimity-Lee Duke ang susubaybayan ng mga manonood, matapos ang kanyang panalo sa Regent 5150 Tri­athlon sa Subic kamakailan.

Masasaksihan din ang paglahok sa mahi­git 27 pros ang bilang ng mga Pinoy elite aces, CEO tri racers at humi­git-kumulang sa 2,000 age-groupers & mixed, all-male at all-female relay participants.

Sina August Benedicto at Monica Torres ay inaasahang naghandang mabuti para ipagtanggol ang kani-kanilang titulo sa Filipino Elite cate­gory na may nakalaang $1,000 sa magwawagi.

Inaasahan ang record 51 bansa at running roster na aabot sa 2,696 participants na magpapatala sa event na suportado ng Cobra Energy Drink at presentor Tourism Promotions Board Philippines at Summit Natural Drinking Water (official hydration partner).

Ang deadline sa registration sa pros ay sa July 16. Sa detalye, bisitahin ang sunriseevents.com.ph.