Diniskaril ng Boston Celtics ang final regular-season game ni Dwyane Wade sa TD Garden Lunes nang gabi.
Umiskor si Kyrie Irving ng 25 kabilang ang dalawang late free throws at kumapit ang Boston para salagin ang Miami Heat,110-105.
Umayuda si Al Horford ng 19 points, 11 rebounds at 10 assists para sa Celtics (46-32) na nakikipag-agawan sa Indiana Pacers (46-32) sa No. 4 seed sa Eastern Conference.
Pinamunuan ng 30 points ni Goran Dragic ang Heat, may 19 points at 14 rebounds si Beam Adebayo. Tumapos si Wade ng 17 points at 7 assists.
Napanatili ng Miami (38-39) ang kalahating larong bentahe sa Orlando (38-40) para sa final playoff spot sa East matapos matalo ang Magic, 121-109, sa Toronto.
Tulad ng pagtanggap sa kanya ng New York Knicks fans sa Madison Square Garden noong Sabado, mainit ding sinalubong sa TD Garden si Wade.
Bago ang laro, binigyan siya ni Celtics president of basketball operations Danny Ainge ng plake bilang pagkilala sa kanyang accomplishments.
Sinalubong din siya ng ovation nang pumasok sa laro sa first quarter.
“We’ve had so many battles in the playoffs, but appreciate the respect they’ve shown me as a player to give me the plaque and send me away with a piece of the history of the Celtics,” bulalas ni Wade.
Dumistansiya ng hanggang 23 ang Boston (Vladi Eduarte)