Irving nag-sorry kay LeBron

Nag-Sorry si Kyrie Irving sa dating teammate na si LeBron James sa nangyari sa kanila noong parehong nasa Cleveland Cavaliers pa.

Nagmamaktol noon si Irving, gustong agawin kay James ang pagiging lider ng team. Nagpa-trade si Irving at napunta ng Boston.

Nagkakaedad na, si Irving naman ang nainis sa mga mas batang kakampi at pinapagalitan. Bigla niyang naalala, bumalik sa kanya ang ginawa niya noon kay James.

“I had to call ‘Bron, and tell him I apologize for being that young player that wanted everything at his fingertips,” pag-amin ni Irving pagkatapos ng 118-107 panalo ng Cel­tics sa Toronto Raptors Miyerkoles nang gabi.

“I wanted to be the guy that led us to a championship. I wanted to be the leader. I wanted to be all that.”
Sumalang na matapos ipahinga ng isang laro ang nabugbog na kanang hita, nagsalpak si Irving ng fadeaway sa foul line para ilagay sa unahan ang Boston.

Sinundan niya ito ng 31-foot 3-pointer para tumapos ng 27 points – 10 rito kasama ang anim sa kanyang career-high 18 assists ang pinakawalan sa fourth quarter. Kabilang sa kanyang mga pasa ang nag-set up sa last three baskets ng Boston sa game-ending 17-4 run.

Umayuda ng 24 points si Al Horford, may 16 points at 10 rebounds si Jayson Tatum at naputol ang three-game losing streak ng Boston.

Pagkatapos masilat sa Orlando noong Sabado, sinabihan ni Irving ang mga batang teammates ng “We have a lot of learning to do.”

Napagtanto niyang mali ang pagkakasabi, posibleng may nasaktan sa mga kakampi, kaya humingi siya ng paumanhin.
Natagpas ang five-game winning streak ng Toronto sa kabila ng 33 points ni Kawhi Leonard at 22 points, 10 rebounds ni Serge Ibaka.