Irving nagninging, Celtics alpas sa Wizards

Kyrie Irving (AFP)

Iginuhit ni Kyrie Irving ang 12 sa huling 17 points ng Boston at naipagpag ng Celtics ang Washington 110-104 via overtime Huwebes ng gabi sa 72nd NBA 2017-18 elims games.

Solo pa rin ng Celtics ang tuktok ng East sa 40-16, kalahating laro sa unahan ng Toronto.

Tumapos si Irving ng 28 points, nagdagdag si Jaylen Brown ng 18, lima rito sa extra period.

Pinangunahan ng 27 points at 11 rebounds ang Wizards.

Ramdam ang pagkawala ni John Wall (knee surgery), walang facilitator sa loob ang Washington at napuwersa sa 22 turnovers.

Umayuda ng 18 points si Bradley Beal ay namigay ng career-high nine assists.

Naghigpit ang depensa ng Celtics sa OT, nadiyeta sa 2 for 12 shooting ang Wizards.

Si Beal ay 7 of 27 lang sa field at isang beses bumiyahe sa free throw line.

Sa kabilang banda, 10 beses tumira sa stripe si Irving at isa lang ang naisablay.

Nakaahon ang Washington mula 10-point hole sa fourth quarter, pero itinabla ni Irving ang iskor sa tatlong freebies nang ma-foul ni Markieff Morris sa labas ng arc.

Sampung sunod na puntos ang tinuhog ni Irving bago sinubuan si Brown ng layup tungo sa 105-103 Boston lead 2 1/2 minutes sa OT.

Inilayo pa ni Brown sa lima ang Celtics nang kumonekta ng 3.