CLEVELAND — Pinal na.

Na-finalize na rin ang blockbuster trade, kung saan palit-koponan sina Cleveland Cavaliers’ Kyrie Irving at Isaiah Thomas ng Boston Celtics.

Kamuntik nang hindi matuloy ang trade, nang magpahayag ng pag-aalinlangan ang Cavs sa right hip ­injury ni Thomas.

Kaya’t humirit ang Cleveland ng karagdagang draft pick mula sa Boston para kumpletuhin ang deal, ayon sa magkasamang pahayag ng dalawang koponan, ­Huwebes (Manila time).

Pumayag ang Celtics na ibigay sa Cavs ang ­second-round pick nito sa 2020.

“The trade is now complete,” saad ng statement ng teams.

Matapos ang ilang araw na pag-aalinlangan, makaka-move on na pareho ang dalawang koponan para sa 2017 season, na magsisimula sa Oktubre 17, kung saan agad magsasagupa ang Cleveland at Boston.

May deadline na alas-10:00 ng umaga (Huwebes) ang magkabilang panig para sumang-ayon sa nasabing trade, na nabuo matapos humiling si Irving na i-trade siya noong Hulyo.

Kumilos ang bagong general manager ng Cavs na si Koby Altman at ibinigay si Irving sa Celtics kapalit ni Thomas, forward Jae Crowder, center Ante Zizic at isang ‘unconditonal’ first round pick sa susunod na taon.

Pero, nanahimik ang trade nitong Agosto 22, nang sumailalim si Thomas sa physicial examination.

Napunit ang labrum ni Thomas noong nakaraang season sa playoffs kontra Cleveland at posibleng hindi pa siya handang sumalang sa pagsisimula ng season.

Noong Martes, inihayag ni Thomas sa ESPN na hindi pa siya ‘damaged’.

“There’s never been an indication that I wouldn’t be back and there’s never been an indication that this is something messing up my career,” lahad ni Tho­mas.

“Maybe I am not going to be back as soon this season as everyone wants me to be, but I’m going to be back, and I’m going to be the same player again. No doctor has told me anything different than that.”