IS leader nagpakamatay sa US military raid

Pinaniniwalaang nagpakamatay sa isinagawang military raid ng United States si Islamic State leader Abu Bakr al-Baghdadi sa Idlib ­region ng Syria.

Nabatid na si Baghdadi ay target ng pinlanong operasyon na ­inaprubahan ni President Donald Trump laban sa Islamic State.

Nalaman na si Baghdadi ay ilang beses nang napaulat na napatay noong mga nakalipas na taon.

Nabatid na inaalam na ang pagkakilanlan ng mga nasawi sa ­isinagawang raid.

Si Baghdadi, 48-anyos na tubong Iraq ,ang bumuo ng bayolenteng ­jihadist movement noong 2014 na nagtatag ng sariling ‘caliphate’ ­territory o kaharian sa ilang lugar sa Syria at Iraq. (Julet de Loza-Cudia)