MATAPOS maaresto sina Sabrina M at Krista Miller kaugnay sa drug operation, matunog na isa pang bold star ang huhulihin.
Aba!
Umaray agad ang isang bold actor na nadakip na noon, at nagsabing ‘good boy’ na siya!
***
Ano na naman ang katsakahang naganap sa Miss World Philippines pageant noong Linggo sa Manila Hotel?
Tameme raw si Richard Gutierrez sa kanyang hosting at hindi na-handle nang maayos ang contestant na nagka-mental block sa pagsagot sa Q&A porion.
Mali-mali raw ang pagpo-pronounce ng words ng ibang co-hosts at mga DA WHO? ang performers lalo na sa Opening Number.
Still and all, ang nagwagi ng title ay ang Hakot Queen na si Catriona Gray na taga-Bicol at isa nang kilalang model.
Sa dami ng special awards ni Catriona, nalaglag ‘yung isang bouquet na ibinigay sa kanya.
***
Dapat hindi na magsama sa iisang production number sina Mark Bautista at Ronnie Liang na parang parehong may problema kung paano ayusin ang buhok.
Parang naghihilahan ang dalawa pababa lalo pa’t may mga malisyoso sa Twitter na tinutukso silang dalawa sa isa’t isa.
***
Si John Raspado na una nang nanalong PO-GAY sa It’s Showtime ang nanalo bilang Mr. Gay World Philippines 2016 noong Linggo sa UP Theater.
Certified kontesero si John, na taga-Baguio City at ex-boyfriend ng GMA 7 showbiz reporter na si Nelson Canlas.
First runner-up si Bench Ortiz (taga-Pangasinan), at second runner-up si Christian Khalil Gorospe Vera Cruz (taga-Zamboanga del Sur).
***
Ayon isang taga-Troxy Theater (London), mas maraming dumalo sa show ni Alden Richards kaysa sa naunang show ng GMA Pinoy TV kasama sina Aljur Abrenica at Ai Ai delas Alas.
Nagpakuwela na lang daw na bumati ang Comedy Concert Queen sa kanyang imaginary friends.