Isa pang condominium na pag-aari umano ng DMC Urban Property Developers Inc, ang Palmetto Place, sa Davao City ang inutusan na palikasin o i-evacuate ang kanilang tenants sa building 2 at 3 makaraang makitaan ng mga bitak o crack dahil sa sunod-sunod na lindol.
Nabatid na ang Palmetto Place ay pag-aari rin diumano ng DMC Urban Property Developers na binubuo ng tatlong gusali na matatagpuan sa Barangay Ma-a, Davao City, malapit sa Ateneo de Davao University at NCCC mall.
Ang Palmetto Place, ang ikatlong condo project of the DMC-UPDI na sinasabing pag-aari din umano ng pamilya Consunji ng DMCI Holdings.
Nauna rito, inabot din ng malaking pinsala ang Ecoland 4000 Residences ng DMC-UPDI makaraang gumuho ang bahagi nito dahil sa sunod-sunod na malakas na lindol.
Bagama’t inutos na ang Davao City LGU na lisanin ng mga tenant ang condo ay hindi ito sinunod ng building administrator na dahilan upang ma-trap sa loob ang ilang nakatira rito nang tuluyang gumuho ang ilang bahagi ng gusali.