Isa pang drug suspek napatay sa Maynila

Patay ang isang ­lalaki na kabilang umano sa drugs watchlist ng ­Manila Police District-Police Station 11 sa isi­nagawang follow-up operation kahapon ng hapon sa Binondo.
Kinilala ni SPO2 Jona­than Bautista ng MPD-Homicide Section ang suspek na si ­Elizalde Ticman, 36-anyos at ­nakatira sa Alvarado St. Binondo.

Nagsasagawa umano ng follow-up operations ang mga elemento ng Anti-Illegal Drugs Unit ng MPD-Station 11 pasado alas-tres ng hapon nang makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen na nagbigay ng impormasyon na nakita si Ticman sa ­Alvarado St. malapit sa bahay nito.

Hidi na nag-aksaya ng panahon ang mga awtoridad at pinuntahan ang lugar su­balit nang makita umano ng suspek ang mga dumating na pulis sa halip na sumuko ay pinaputukan nito.

Napilitang ­gumanti ng putok ang mga ope­ratiba hanggang sa tina­maan ng bala ang suspek at napatay.

Narekober din sa suspek ang isang caliber .38 revolver, limang sachet ng shabu at P4,000.00 cash.