Isa pang kongresista sa katauhan ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang namumurong masuspendi ng Sandiganbayan dahil sa kinakaharap na kasong katiwalian na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Kahapon ay binigyan ng Sandiganbayan 7th Divison ng sampung araw si Biazon para sagutin ang Motion to Suspend Accused Pendente Lite na isinampa ng Office of the Special Prosecutors (OSP) ng Office of the Ombudsman laban sa kanya.

Si Biazon kinasuhan ng tig-isang counts ng kasong Malversation of Public Funds, paglabag sa anti-graft and corruption practices act at direct bribery kaugnay P3 milyong halaga ng pork barrel na idinaan umano nito sa Philippine Social Development Foundation, Inc. (PSDFI), isa sa mga non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.

Inakusahan dito si Biazon ng Office of the Ombudsman na tumanggap umano ng P1.9 milyong kickback na kung saan kapwa niya akusado na sina dating Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Zenaida Ducut, Napoles at ibang opisyales ng gobyerno.

Ayon naman kay Biazon sa panayam sa Sandiganbayan, walang problema sa kanya ang ihinaing mosyon ng OSP dahil isa itong mandatory process na isinasaad sa batas subalit hindi ito kaparusahan.

One Response