Tuluyan nang nakalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Quiel pero may isa pang low pressure area (LPA) ang namataan sa bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) weather specialist Meno Mendoza, patungong Vietnam na ang bagyong Quiel na may international name na Nakri.

Pero kasabay ng pag-alis ng bagyong Quiel ay isang panibagong sama ng panahon ang namataan sa silangang bahagi ng Mindanao.

Samantala, patuloy pa rin umanong makakaranas ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa tail end ng cold front.

Magdudulot ito ng pag-ulan sa Ilocos region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley. (Tina Mendoza)