Isa na namang Pinay ang pinatay ng kanyang asawang Amerikano sa Texas, kasunod nang pagpatay kay Alyssa Mejia-Rogers, kung saan ang katawan ay nakita sa loob ng isang freezer matapos patayin ng asawa na nagpatiwakal din.

Sa report, si Jackqueline Rose Nicholas ay napatay matapos barilin ng asawang si Peter Ni­cholas III sa Texas hotel.

Wala na itong buhay nang datnan ng mga rumespondeng pulis. Nadakip ang asawa nito na duguan ang suot na damit. Nagtangka pa umanong tumakas ang suspek subalit nahuli din ng mga pulis. Dinala ito sa ospital, ayon sa report.

Nabatid na nasa impluwensya ng droga ang suspek. Nahaharap na ito sa kasong murder.

Nauna dito, isa pang Pinay ang napatay ng asawang dayuhan sa Texa­s. Natunton ang bangkay ng biktimang si Rogers sa loob ng free­zer sa bahay ng asawa nito.

Ang suspek na si Edward Rogers Jr. ay nagbaril sa sarili makaraang aminin sa pamilya nito ang pagpatay sa kanyang asawang Pinay.