Limang Rio Games veterans ang nakatanaw sa susunod na Olympics sa 2020 sa Tokyo, gusto pa rin nilang lumaban para sa bansa.

Sa Rio Thanksgiving ang mga Olympians sa Resorts World noong ­Miyerkules, present sina weightlifter Hidilyn Diaz, boxers Charly Suarez at Rogen Ladon, swimmer Jessie Lacuna at taekwondo jin Elaine Alora.

“Yes! Gusto ko po mag-Tokyo Olympics,” ani Rio silver medalist Diaz sa event na inorganisa ng TV5.

Bukod sa karangalang inuwi ni Diaz, naging masaya ang kanyang karanasan.

“Hindi ko in-expect na maka-silver ako dahil bronze lang okay na ako kasi nga ‘yung humahabol sa akin eh malakas,” aniya.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais din nina Laden at Suarez na iwagayway muli ang bandila sa Tokyo.

“Kaya ko pa, isa pang chance,” sabi ni Suarez.

“Learning experience ‘yung laban ko, naghahanda na agad ako sa next Olympic­ games.” wika naman ni Alora na muntikang makapag-uwi ng medalya.

Dumalo sa okasyon sina Philippine Olympic Committee president Peping Cojuangco, TV5 president Chot Reyes, Mikee Cojuangco-Jaworski, POC vice president Joey Romasanta at ibang sports officials.

Hindi nakadalo sina Ian Lariba, (table tennis), Miguel Tabuena, (golf), Nestor Colonia, (weightlifting), Mary Joy Tabal at Eric Cray (athletics), Jasmine ­Alkhaldi, (swimming), Kodo Nakano (judo) at Maristela Torres, (track & field).