Isabel, grabe ang iyak sa 1st b-day ng anak

Baby FEATHER, ISABEL at JOHN

MEDYO emotional ang mag-asawang Isabel Oli at John Prats nang sinilebrayt nila ang first birthday ng anak nilang si Baby Feather.

Ginanap ang bonggang birthday party ni Feather kahapon sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Libis na dinaluhan ng pamil­ya at ng close friends nila sa trabaho.

Sabi ni Isabel, “Naiyak talaga ako na parang grabe. Siguro, sa lahat na pinagdaanan namin.”

Pahayag naman ni John, “Emotional din ako kanina kasi another milestone sa buhay ni Feather. Alam kong marami pang darating na milestone sa buhay niya.”

Super tutok pa rin si Isabel sa pag-aalaga sa kanilang anak pero malapit na raw siyang bumalik sa trabaho.

Hindi pa niya masabi kung anong serye ang sisimulan niya sa Kapamilya network.

Tumatanggap-tanggap na siya ng mga guestings, pero hirap siya kapag nalalayo siya sa kanyang anak.

“Ini-enjoy ko muna for 6 months. After 6 months, mga guesting-guesting na ako.

Ang hirap din, kasi, ang utak ko, sa kanya, pero ang katawan ko sa taping. Pero ngayon, babalik na po ako,” pakli nito.

Aminado si Isabel na malaki ang nabago sa kanya nang naging nanay na siya.

“Grabe, ‘no? Naging nanay ako, nag-iba na ang tingin ko.

“Ang perspective ko, naging iba talaga,” tugon ni Isabel.

***

Masayang-masaya si John dahil hanggang 2018 pa ang Ang Probinsyano at malaking blessing ito sa kanyang career at sa kanyang pamilya.

“Nu’ng in-announce na mae-extend ang Ang Probinsyano, sobrang blessing ‘yun, at nagpa­salamat ako sa ating mga Kapamilya sa walang sawang suporta. Hindi naman kami mag-e-extend kung hindi dahil sa kanila eh,” pahayag ni John.

***

Yassi Pressman
Yassi Pressman

Nandu’n din sa birthday party si Yassi Pressman na regular din sa Ang Probinsyano at isa siya sa natutuwa na hanggang 2018 pa itong drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ani Yassi, “Isang malaking malaking bles­sing.

“Gusto namin magpasalamat sa mga bos­ses namin, at siyempre sa lahat na mga nanoood at sumusuporta.”

Isa si Yassi sa umaasang hanggang 2018 ang karakter na ginagampa­nan niya.

Sobrang solid daw kasi ang samahan ng team nila sa Ang Probins­yano.

Tuwing may nagpapaalam at namamatay sa naturang serye, apektado raw silang lahat.