KUMPIRMADONG darating sa bansa mula Doha, Qatar ngayong Thursday ang mga labi ng yu­maong actress/singer na si Isabel Granada.

Idede­retso sa isang funeral home at aayusin ang mga labi ni Isabel at saka dadalhin sa Santuario de San Jose sa Greenhills, San Juan at doon ibuburol ng ilang araw.

Ang alam namin, hanggang midnight lang ang burol sa lugar na ‘yon. Sina Lotlot de Leon, Chuckie­ Dreyfus, Nadia Montenegro at ilan pang mga kaibigan sa showbiz ang tumutulong sa pamil­ya ni Isabel para sa kanyang burol.

Noong una, sa isang funeral home sana ang burol, pero hindi­ pumayag si Mommy Guapa, ang nanay ni Isabel, at sinabing ayaw niyang sa ganoong lugar gawin ang burol at mas gusto niyang sa simbahan na lang.

Ayon nga pala sa isang malapit sa pamilya ni Isabel, sobrang depressed si Mommy Guapa at halos ayaw lumabas ng bahay at walang kinakausap.

Pero ang update naman ng isang malapit na kapitbahay ni Mommy Guapa, lumabas na rin daw ito at may kaibi­gang kinausap.

Samantala, nga­yong araw na ito ay mamimili na ng casket na gagamitin para sa mga labi ni Isabel.

Sa Friday daw, usapan ng mga dating miyembro ng That’s Entertainment na magkikita-kita sila sa burol ni Isabel.

“Bale ang mga taga-That’s Entertainment ang mamamahala sa burol sa gabing ‘yon,” sabi ng isa pa na­ming kausap.

Sobrang ipinag­luluksa ng Philippine showbiz ang pagyao ni Isabel dahil sobra rin naman siyang makisama sa lahat ng mga nakatrabaho niya rito noong nabubuhay pa siya!