Hindi na maaaring humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan si dating Isabela Mayor Antonio Talaue matapos mapatunayang guilty ng Second Division ng Sandiganbayan nang hindi nito ni-remit ang P22.4 milyong insurance premium ng mga empleyado sa Government Service Insurance System (GSIS).

Sa anim na pahinang resolusyon ng korte nabatid na hindi ni-remit ang aabot ang nasabing halaga simula 1997 hanggang 2004 na nagresulta sa hindi pagtanggap ng mga empleyado ng mga benepisyo.

Sa ilalim ng RA 8291 ng GSIS Act of 1997, ang mga alkalde ang direktang magpapadala sa GSIS ng kontribusyon ng mga empleyado sa loob ng unang 10 araw ng buwan.

Depensa ng dating alkalde sa kanyang motion for reconsideration, nabigo ang prosekusyon na mapatunayang sinadya o hindi naaayon sa batas ang kabiguan nito sa pagre-remit ng nasabing premium.

Nasintensyahan din si Talaue ng tatlo hanggang limang taon ng pagkakakulong at P20,000 multa. (Yves Briones)