MRS. SEMBLAT na si Isabelle Diaz Daza matapos ang romantic Tuscan wedding nila ng French boyfie niyang si Adrien Semblat nu’ng Sabado sa Italia.
Sa 13th century, hilltop castle na Castello di Gargonza sa Arezzo sa Tuscany ang venue ng wedding at reception kaya ‘under the Tuscan sun’ ang peg ng kasal.
Gandara ang bride na si Isabelle sa kanyang sleeveless, ivory Vera Wang gown na ang sabi niya ay dream wedding gown niya.
Hinatid siya sa altar ng kanyang ninong at matalik na kaibigan ng kanyang ama (Bong Daza na pumanaw nu’ng July 14) na si Senator Bongbong Marcos sa Gothic-style na St. Francis Church sa Lucignano.
Ang guwapo ng groom na si Adrien sa navy blue suit nito. Kabilang sa groomsmen nito sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico.
Kabilang sa bridesmaids ni Belle ang close friends niyang sina Anne Curtis, Solenn Heussaff, Liz Uy at Bea Soriano, na naka-floral gowns na gawa ni Vania Romoff.
Present siyempre ang mother of the bride na si Ms. Gloria Diaz, na masaya para sa kanyang 28-anyos na anak.
Ang simple ng ayos ni Isabelle pero ang ganda ng aura niya sa kanyang kasal.
Ang ganda ng shot ng newlyweds na nakasalampak sila sa lupa sa isang vineyard na may mga ubas sa kanilang background.
Naging engaged sina Belle at Adrien nu’ng February after 6 years of being together.
Panay destination weddings ang kasal ng tatlong ‘It Girls’ na kinasal this year na sina Georgina Wilson-Burnand, Solenn Heussaff-Bolzico at Isabelle Diaz-Semblat.