Ipinakita ng mga kasamahan ni Isabelle Daza sa Tubig At Langis ang suporta sa kanya sa pamamagitan ng pagpunta sa burol ng yumaong ama nito na si Bong Daza.
Pinuri ng mga katrabaho ang pagka-professional ng aktres dahil kahit namatayan ito ay bumalik pa ito sa set para ituloy ang mga nabinbing eksena na dapat niyang tapusin.
Ibang-iba ito sa aktres na nag-iimbento ng sakit makatakas lang sa taping.
***
PUKPUKAN ang tapatan ng mga primetime shows ngayong gabi at umabot ng sukdulan ang mga promo nila sa magkabilang channel last weekend.
Sino ang mamamayani–ang dating kampeon na Ang Probinsyano o ang challenger na requel ng Encantadia?
Kung sa Encantadia eh may special roles sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa Ang Probinsyano ay may Vice Ganda at Cesar Montano as guests.
Aling programa ang makakaungos mamayang gabi?
***
Winelcome na sa Kapamilya network si Jaya.
Bukod sa pinakanta sa It’s Showtime, naging hurado ng TAWAG NG TANGHALAN si Jaya sa unang salta niya rito.
Hinintay lang ni Jaya na matapos ang Poor Señorita na ginawa siyang support sa kumare niyang si Regine Velasquez na talagang gumagawa ng paraan para isama si Jaya sa mga raket.
Hindi ba’t dati pang napabalitang sasali dapat si Jaya sa Your Face Sounds Familiar Season 2?
***
“Hindi grand, kundi real; straightforward, walang embelishment; ‘yung look at feel ng dating SONA, too formal at stiff.
“Ngayon, I want to capture the spontaneity and du’n, puwedeng mag-Bisaya kung gusto ng Pangulo.
“I’m not even charging anything for this,” sabi ng Cannes Best Director Brillante Mendoza sa pagkaka-assign sa kanya ni Communications Secretary Martin Andanar bilang direktor sa unang State Of The Nation Address (SONA) ni Presidente Digong sa katapusan ng buwan.
Pero sa dami ng press release ukol dito, parang mas nagiging kabalintunaan ang pagiging simple at hindi grand lalo na if it’s calling attention to themselves na, hindi ba?
***
Noong Biyernes (July 15), dumalo si Alden Richards ang block screening ng Imagine You and Me na sponsored ng Alden International para sa mga breast cancer survivors mula sa Philippine Foundation for Breast Care, Inc.
Personal namang pinasalamatan ng aktor ang grupo ng fans sa pag-oorganisa ng isang makabuluhang project.
Nakipag-picture taking ang aktor kasama ang mga breast cancer survivors na napasaya at na-inspire niya.