NASA Italy na ang pamilya at mga malalapit na kaibigan ni Isabelle Diaz Daza na dadalo sa kasal niya.
Naging parte ng Eat Bulaga dati si Belle noong nasa GMA pa siya, kaya imbitado ang ilang EB Dabarkads na naging close sa kanya tulad ni Pia Guanio-Mago.
Kasama ni Pia sa Italya ang mister niyang si Steeve Mago at daughter na si Scarlet Jenine. Nag-Venice muna sila for a few days bago tumuloy sa wedding.
Kahit matagal nang wala sa EB si Isabelle ay may contact pa siya with the Dabarkads.
Bago lumipad pa-Italy ay dumalaw si Belle sa Broadway studio at nakikain sa dalang food ni Ryan Agoncillo na luto ng Mommy Nina nito.
Nandoon na rin sa Italya at nag-side trip muna sa Rome at Orvieto si Anne Curtis with sister Jasmine Curtis Smith.
Sumunod kay Anne ang kanyang boyfie na si Erwan Heussaff, habang si Jasmine ay kasama ang non-showbiz BF na si Jeff Ortega.
Sa Florence naman rumampa ang preggers na si Georgina Wilson-Burnand kasama ang mga kapatid nito.
Hahabol sa kasal ang magdyowang Solenn Heussaff at Nico Bolzico.
Nag-bachelorette party muna si Belle with her family and friends sa Bali, Indonesia bago lumipad pa-Europa kasama ang kanyang mapapangasawang si Adrien Semblat.
Pagdating ng Italy ay nag-pre-wedding vacation ang beautiful couple sa isang private resort sa Sestri Levante. Nag-beach sila dahil summer doon ngayon.
Nag-relax si Belle sa Levanto Beach nang malaman niyang ang lahat ng boxes na pina-ship niya from Manila ay stuck sa Italian customs sa Roma.
Kahapon ay lungkut-lungkutan ang bride-to-be dahil nalaman niyang hindi ire-release ng Italian customs sa Rome ang lahat ng kanyang giveaways para sa wedding.

Mukhang kinarir pa naman ni Belle ang very personalized items na ipapamigay dapat niya sa wedding nila ni Adrien.
Ngayong Biyernes ang welcome dinner at bukas (September 10), 4:00 PM (Italian time) ang Semblat-Daza nuptials sa Church of St. Francis sa Lucignano, Province of Arezzo sa Tuscany, Italy.
Kinabukasan ay merong hangover brunch na mukhang may swimming na mangyayari dahil pinagdadala ang lahat ng two-piece swimsuit.
‘Intimate and elegant’ ang description ni Belle sa magaganap na Catholic wedding nila ng kanyang hunky, French fiancé na 6 years na niyang karelasyon.
27-anyos ang model-actress na si Belle at 35-anyos naman si Adrien, na country manager ng Adidas Philippines.
Elegante rin ang pre-wedding shoot ng dalawa na gawa ng Bride and Breakfast.
Bago umalis ay tinapos muna ni Belle ang Kapamilya afternoon soap na Tubig at Langis, na kaya napadali ang ending ay dahil ikakasal na siya.
Bale si Isabelle ang pangatlong ‘It Girl’ na ikakasal this year after mauna nina Georgina Wilson at Solenn Heussaff.
Ang isa pang member ng kanilang girl squad na si Anne Curtis ay hindi pa engaged sa Fil-French boyfie nito na si Erwan.