Isabelle, tinotoo ang mga sampal at sabunot kay Cristine

MALAKING factor ang nalalapit na pagpapakasal ni Isabelle Daza kaya magtatapos na ang Kapamilya afternoon soap na Tubig at Langis.

Sa September 10 ang wedding ni Belle sa kanyang French fiancé na si Adrien Semblat sa Tuscany, Italy.

Sabi ng ABS-CBN Business Unit Head na si Direk Ruel Bayani, gusto sana ng management na patagalin pa ang Tubig at Langis hanggang end of the year, pero na-decide nilang tapusin na ito.

Si Isabelle ang main kontrabida sa panghapong teleserye nina Cristine Reyes at Zan­joe Marudo.

Sey ni Direk Ruel, Belle is getting married so feeling niya ay ibigay na nila ‘yon kay Belle.

Gusto nilang bigyan ito ng time para hindi ma-pressure dahil ikakasal ito at magha-honeymoon. They want her to enjoy life.

Aniya, hindi dapat sisihin si Belle sa pagtatapos ng show dahil nu’ng una ay gusto lang nilang maka-one season.

In fairness ay aabot sila ng 32 weeks dahil sa magandang ratings ng TAL.

Puwede nilang i-stretch pa ito pero mas gusto nilang tapusin ang show on a high note.

Kaya pina-peak na nila ang istorya, pinaputok na nila nang todo at nag-reflect ‘yon sa ratings.

Nakuha ng Tubig at Langis ang highest rating nito ever na 21.1% last Wednesday na ka-back to back ng patok din sa hapon na Doble Kara.

Aminado si Direk Ruel na mahabang panahon din na ang afternoon block ay naging very challenging para sa ABS-CBN. Finally ay maki-claim nila na very successful ang tulungan ng Doble Kara at Tubig at Langis na pinakamatagumpay sa timeslot na ‘yon,

Masayang magtatapos ang TAL sa September 9 na puno, hitik at siksik ang kanilang finale.

***

Tinanong namin si Isabelle Daza kung anong pakiramdam niya ngayon na malapit na ang kanyang kasal at heto’t magtatapos na ang kanilang afternoon soap.

“I feel good naman. A bit stressed. Pero in fairness to my Tubig at Langis family, they’ve been so supportive with me.

“I also had to leave because I had an emergency. Nabigay naman nila ‘yon sa akin.

“Buong cast, napaka-supportive nila.

“Something happened also, my dad passed away and they were also supportive at nag-adjust talaga sila sa schedule ko.

“So, I really wanna say thank you to them. Kasi syempre, they were able to do that for me and I really felt that support and that love.

“So, I’m happy to have been part of this family,” pakli ni Belle.

Inaasikaso pa ni Belle ang papers for her wedding dahil napakaraming requirements sa Italy. ‘Yun ang kinakabisihan niya.

Sa September 2 ang alis niya. Ang last taping day niya ay sa end of the month.

Wagas ang mga awayan at sabunutan nila ni Cristine Reyes sa nasabing tele­serye.

Minsan ay nagkakasakitan sila, pero after that ay friends na sila ulit.

Ani Belle, hindi maiwasang masaktan nila ang isa’t isa dahil ayaw nilang dayain ang mga eksenang nag-aaway sila.

Gusto nila ay totoo. Okey lang kay Cristine kahit gaano kalakas niya ito sampalin.

Naging friends sila nito in real life.

Naalala pa ni Belle na nu’ng kailangan niyang umalis papuntang France for an emergency ay tinext niya si Cristine at nag-sorry siya na kailangang mag-adjust ng mga ito sa kanya.

Ang sagot sa kanya ni Cristine ay naiintindihan nito.

Hindi niya makakalimutan ‘yung message sa kanya ni Cristine na, “Huwag mong intindihin kami. Put your family first.”

Natuwa siya sa sinabing ‘yon sa kanya ni Cristine.