KAHAPON lang namin naisulat na si Isabelle Daza na ang kapalit ni Angelica Panganiban sa ABS-CBN teleserye na Victims of Love na pagbibidahan din nina Paulo Avelino at Julia Montes, pero may changes na naman.

Umayaw na rin daw si Isabelle sa series na ‘yon.

Marami raw kasing naka-schedule na trips abroad si Isabelle at hindi siya pinapayagan ng mga taga-Dreamscape na u­malis, kaya wala raw nagawa si Isabelle at hindi na lang tinanggap ang nasabing proyekto.

May isang aktres na sinasabing papalit kay Isabelle sa Victims of Love, pero hindi pa puwedeng i-reveal.