May magandang epekto rin pala itong pagnipis ng bulsa ni Juan dela Cruz at Maria Clara.
Magsisimba na lang at sa bahay magba-bonding ang nakakaraming pamilyang Pinoy.
Mas simple kasi ang selebrasyon ay mas nabibigyan ng importansiya ang tunay na hari ng okasyon: ang sanggol na si Hesukristong Manunubos.Kapag sagana sa kuwarta, nasa out-of-the-country o kaya ay sa mga sikat na tourist destination ng Pilipinas.
Pati ang pagsisimba nawawala sa schedule.Ito ang magandang panahon para ipamulat sa mga bata na hindi pabonggahan ng regalo at damit at lalong hindi pagwawaldas sa sobra-sobrang pagkain ang kahulugan ng Pasko.Isang klarong ehemplo ang ipinakita ng Diyos Anak.
Sa sabsaban siya isinilang kasama ang mga tupa at ilang pastol.Walang party. Walang apaw na handaan. Walang bonggang anunsyo. At lalong walang sukatan ng regalo.
Ang tatlong mago na naglakbay para hanapin ang isinilang na Tagapagligtas, sila lamang ang may marangyang regalo na kanilang ikinasa.Kung ang Dakilang Manunubos ay nagpakita ng simpleng pamumuhay kahit sa mismong birthday niya, bakit hindi natin ito pamarisan?
May pera o wala, hindi dapat matabunan ang tunay na kahulugan ng Pasko: ang pagmamahalan, lalo na sa loob ng isang pamilya.Maligayang Pasko sa inyong lahat!