Isasabong sa LizQuen Marco-Krystal swabe ang pakilig

tonite-imo-vinia-vivar

Si Bela Padilla ang sumulat ng script ng digital movie na “Apple of My Eye” hatid ng iWant and Dreamscape Digital mula sa direksyon ni James Mayo. Hands on ang aktres sa pro-ject at siya ang namili ng direktor hanggang sa bida na sina Marco Gumabao and Krystal Reyes.

Paliwanag ni Bela, si Krystal ang napili niyang maging leading lady dahil sobrang fan daw siya ng dating child actress.

“Fan ako ni Krystal bata pa lang siya. Nag-aaral pa lang ako, ­artista na si Krystal, eh. So, ito ‘yung literal na bata pa lang ako, napapanood ko na siya.

“Nun’g ‘Mga Mata ni Angelita’ pa lang, ang ga­ling-galing niya, eh. ­Tapos, huling napanood ko siya sa ‘Anna Karenina,’ sabi ko “ang galing-galing niya.’ Sobra siyang mature for her age,” paliwanag ni Bela nang maka­usap namin sa mediacon ng “Apple of My Eye.”

“And at the same time, mayroon siyang innocence ng babaeng hindi pa nai-in-love, ‘yung ganun’g hitsura. Ewan ko kung sa mata ba niya or…‘pag kinikilig siya dito, kikiligin ka talaga, eh. So, dalang-dala ni Krystal honestly ‘yung mga eksena,” dagdag pa ni Bela.

Si Marco naman daw ay automatic nang naisip niya sa gaganap na leading man dahil perfect daw ito sa role na millennial, magandang pumorma at mahilig sa technology.

Napili naman niya ang direktor na si direk James dahil ito rin ang direktor ng “Kuya Wes” na indie film naman ni Ogie Alcasid.

Si Bela mismo ang kumontak sa direktor na ­talaga namang ikina-flatter ni direk James.

Sobrang happy naman si Bela nang matapos na ang pelikula dahil ang lakas daw pala ng chemistry nina Marco at Krystal.

“Kilig na kilig ako, may mga eksena sila, lalo na ‘yung mga unang meet-up, hindi ko alam kung dahil sa pagka-mount din ni direk James or sa pagkasulat, nun’g unang nagtama ‘yung dalawang character nila, kinikilig kami kahit sa outpost, sa editing, sabay kaming nanood ni ate Joy, ‘yung producer ko, pinapa-stop namin kasi tawa kami nang tawa, kinikilig kami. Mukha kaming high school du’n sa editing.

“Ang yummy ni Marco dito. Ang ganda. Ang ganda ng mga shots ni direk. Si Krystal din,” sey pa ni Bela.

“Apple of My Eye” will be streaming on Feb. 14 sa iWant kasabay ng showing ng pelikula ng LizQuen.