Para ‘di maumay sa karne, puwedeng maghain ng baked salmon bilang pambalanse sa mga mamantika at matatamis na putahe.
Sangkap:
6 ounces salmon fillet
1 kutsaritang iodized salt
1/4 kutsaritang ground black pepper
1/2 kutsaritang garlic powder
2 kutsaritang lemon juice
2 tasa ng spring mix
1/4 tasa organic grape tomatoes
2 1/2 kutsaritang balsamic vinaigrette
2 kutsarang crumbled Feta cheese
Paraan ng pag-bake:
Ibuhos ang lemon juice sa salmon at hayaang mababad ito sa loob ng 5 minuto.
Pahiran ng salt, pepper, at garlic powder ang kabuuan ng salmon fillets.
Balutin ito ng aluminum foil. Isalang sa oven na may init na 350 degrees Fahrenheit.
Hayaang ma-bake ang salmon sa loob ng 15 minuto.
Buksan ang aluminum foil para ma-expose ang ibabaw na bahagi ng fillet. Itaas sa 400 degrees Fahrenheit ang init ng oven at hayaan pang ma-bake ng 5-7 minutes ang salmon.
Tanggalin sa oven at palamigin ang salmon.
Kasabay nito, pagsama-samahin naman ang spring mix, Feta, grape tomatoes at vinaigrette. Toss.
Isalin ito sa serving plate at iibabaw ang baked salmon.
Samahan ng mixed buttered vegetables at siguradong patok ito para sa lahat.
Serve. Share and enjoy!