Hinarabas ni Ish Smith ang 14 sa kanyang game-high 27 points sa fourth quarter kabilang ang 10 sunod sa 5 of 5 shooting sa isang stretch para bitbitin ang Washington Wizards sa 99-94 pagsilat sa Boston Celtics nitong Lunes.

Hinarana na nga ng “M-V-P!” si Ish nang bumiyahe sa free throw line sa isang eksena sa nasabing 74th NBA 2019-2020 regular season game.

Nasa pangalawang sunod na maangas na laro ang 31-anyos na reserve guard ng 11 NBA teams sa loob ng 10 seasons.

“If it was a two-game season, I would have to agree with the crowd: MVP,” nangingiting pasang-ayon ni Wizards coach Scott Brooks. “And he’s bringing back the mid-range. He’s hard to stay in front of. His change of direction. His pace. The speed.”

‘Di na matandaan ni Smith kung kailan niya huling narinig ang sweet music na tatlong letra.

“The last time that happened, probably, was high school,” aniya.
Pasok ang 12 sa kanyang 18 tira, may 4 rebounds at 4 assists pa off the bench. (VE)