Kinapos si Archer Nicole Marie Tagle sa gold medal match ng individual women’s recurve 2017 Southeast Asian Games kahapon sa National Sports Complex sa Bukit Jalil, Malaysia.
Nakaiwas sa pagka-bokya sa anumang kulay ng medalya ang Pilipinas sa Day 1 pagkatapos ng opisyal na pagbubukas ng biennial meet Sabado ng gabi. Ito rin ang nag-iisang medalya ng 8-player men’s at women’s recurve archery team.
Yumuko si Tagle kay Diananda Choirunisa ng Indonesia upang magkasya sa silver medal.
Balikatan ang labanan, umabot sa fifth set ang kanilang final showdown bago nabigo ang 15-year-old Dumaguete native kay top-seeded Choirunisa 6-4.
Nagwagi si Tagle kay Thida New ng Myanmar sa semifinals 6-2 para maniguro ng podium finish.
Pangalawang silver medal ng Pilipinas sa biennial meet ang nakalawit ni Tagle kasunod ng second-place finish ng men’s chin lone linking event 3.
Salto sina Luis Gabriel Moreno at Florante Matan na sumampa sa semifinals ng individual men’s recurve.
Semplang din sa quarterfinals sina Rogelio Miguel Tremedal, Mark Javier, Pia Elizabeth Biduare, Kareel Meer Hongitan at Mary Queen Ybañez.
Medal Tally as of 7 p.m.
Standing G S B
Malaysia 13 10 8
Singapore 6 5 7
Thailand 3 4 3
Indonesia 2 4 6
Vietnam 2 3 1
Myanmar 2 1 0
Philippines 1 2 2
Laos 0 1 1
Brunei 0 0 4
Cambodia 0 0 3
Timor Leste 0 0 0