Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na matagal nang naplano ang inihasik na gulo ng terror group sa Marawi City.
Ayon sa Punong Ehekutibo, hindi Maute ang orihinal na nasa likod ng nangyayaring gulo sa Marawi City dahil ang mastermind, aniya, ay ang teroristang grupo na ISIS.
“Alam mo ‘yang rebellion ngayon sa Mindanao, it’s not Maute, it’s purely ISIS with different branch kasi sila ‘yung nag-umpisa. Actually, ‘yang Maute brothers went to Libya and the other one I think to… They went there. Itong Marawi na ito has long been planned. It could not be just a decision na ‘let’s go to Mindanao’. Plano na ito lahat,” pahayag ni Pangulong Duterte sa ginanap na mass oath taking ng mga bagong opisyal sa Malacañang kahapon ng hapon.
“Noong si Hapilon na ipinadala sa Central Mindanao and he was anointed as the emir, doon na ako nakaamoy na something terribly wrong is going to happen. Kasi dala-dala niya ‘yang ISIS eh. Iyong Maute is just the family name of two brothers. They started and I warned you before, I’m warning you now na ang ISIS walang pera…. and I said by the time that they are pushed back and they lose the land mass, they will scamper to everywhere,” dagdag ng Pangulo.
Muling binanggit ng Pangulo na malaki ang kinalaman ang katas ng iligal na droga sa pondo ng mga teroristang sangkot sa nangyayaring krisis sa Marawi City.
“Dito ang nagpu-fuel sa insurrection, ang drugs. Sinadya talaga nila ‘yan na luto nang luto.
Dito naman mga Chinese and then Taiwan dito hinuhulog nila diyan sa boundaries, a territorial waters. They placed a GPS and the idiots would just go around and collect… Kaya makita mo maraming mga drum na lumulutang diyan sa coastal areas,” ani Duterte.
“Itong Maute, sinadya talaga nila ‘yan. Pero hindi ko na lang din sinabi muna because I was not then in a position to say it publicly. So, ginagamit nila, pati Mindanao, ang droga nila was almost like a rice mill, mas malaki pa. It was really a factory, ‘yung sa pampang sa… It was really a factory. From end to end, about dalawang basketball court. And all the equipment and the machines there were really intended to manufacture shabu,” paliwanag ni Duterte.
Nakakatawa ang administrasyon na ito. ISIS daw ang pasimuno ng insidente sa Marawi ngayong Hindi naman inaako ng ISIS ang nangyayari. Sa insidente naman sa Resorts World inako na ng ISIS ang insidente pero tinabla ito ng kapulisan ng administrasyon. Ano ba talaga??
OBVIOUS NAMAN!! wala sa dereksyon ang mga sinasabe ni DUTERTE,,,HALATA naman pinipilit nyang paniwalain ang mga BOPOLs ,,,sobrang ATAT na ATAT sa MARTIAL LAW..at yung picture ni HAPILON na kinakalat ni DUTERTE,,,eh! hindi naman iyun si HAPILON…PEKE yun!!! sinabe naman ng US state department,,,nakakatuwa nga !!! ang MARTIAL LAW ni SAYAD,,una sabe 30-40 ang IPIS este !! ISIS pala,,,next 100 naman,,,next day 500 na!!!! hahahaha,,galing ng INTEL ni SAYAD,,yan ba yung BILLION pesos na HALAGA ng INTEL mo DUTERTE,,puro SABLAY hahahaha,,,wala na iba dapat SISIHIN dyan kung hindi si DUTERTE,,,puro PERWISYO ang pinagGagawa mo !!! SALOT KA!!!
Alin ba talaga? ISIS o droga ang pasimuno ng Marawi. Kung ISIS, sana matagal ng inamin na sila nga ang pasimuno diyan dahil yan ang isang pinakamalaking propaganda nila para makapag recruit. Nasaan naman ang factory ng shabu na dalawang basketball court ang laki? Tama na ang pambobola dahil yung mga panatiko mo lang na tinatawag mong mga BUANG at BOBO ang maniniwala sa iyo.