ZAMBOANGA CITY — Nasa Basilan province na umano ang ilang dayuhang miyembro ng Islamic State na ngayon ay nagtuturo ng paggawa ng bomba sa Abu Sayyaf na siyang nagkakanlong sa kanila.

Ayon kay Governor Mujiv Hataman, ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), kabilang sa mga dayuhan ay Malaysian at Jamaican subali’t hindi naman mabatid kung paanong nakapasok ang mga ito sa bansa.

Noong nakaraang taon ay napatay din ng mga sundalo ang ilang mga dayuhan sa hanay ng Abu Sayyaf, ngunit ayaw namang aminin ng Western Mindanao Command na may mga miyembro na ng Islamic State sa Mindanao.

Kamakalawa lamang ay pinangunahan ni Hataman ang isang malaking humanitarian at medical mission sa Barangay Baguindan sa bayan ng Tipo-Tipo matapos makuha ng militar ang kontrol nito sa Abu Sayyaf.

Nanawagan pa ito sa daan-daang mga residente na magkaisa at suportahan ang pamahalaan sa peace efforts nito sa Basilan at sinabing handa ang ARMM na tugunan ang kanilang mga panga­ngailangan.

One Response

  1. Akala nang MNLF lalo na si Misuari, panig sa kanila ang mga teroristang ISIS. Tingnan ninyo ang mga nangyayari sa Iraq. Lahat ay kalaban nang ISIS. Maghanda kayo nang maraming kaba-ong dahil magiging madugo ang labanan na ito sa Mindanao.